Tapos Na Tayo – J-Yow Featuring Wynn Dizzy

Print Lyrics Print Lyrics
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Chorus : ( Wynn Dizzy )
Ano mang namamagitan satin
pipilitin ko nalang limutin
Dahil Wala na Tayo
Tapos na Tayo
Malaya ka na , Maligaya ka na
Sa Piling ng Iba
Magsisilbi ka na lamang Ala-Ala

Verse One ( Jyow )

Naaalala ko Yung Araw Na Tayo Pang Dalawa
Magkasama Araw araw at palaging masaya
pero ngayon puro lungkot ang aking nararanasan
pano ko gagamutin paano ko malulunasan

Kung Ang Ala-ala natin ay hindi ko malimutan
ang isang babae na hindi ko magawang iwanan
ngunit bigla nalang nagbago ang takbo ng panahon
pinaasa mo lang ako sa mga pangako mo noon

na tayong dalawa ay magsasama magpakailanman
at bubuo ng isang pamilya na puno ng pagmamahalan
na kahit ano man ang mangyari ay walang iwanan
sa pagmamahal ko sa iyo ako’y niloko mo naman

sana maisip mo rin ikaw ay aking minahal
ngunit pinaglaruan mo lang at ako’y naging hangal
kaya tuloy ang puso ko patuloy na umiiyak
ang sakit ng ginawa mo puso ko ay biniyak

Chorus : ( Wynn Dizzy )
Ano mang namamagitan satin
pipilitin ko nalang limutin
Dahil Wala na Tayo
Tapos na Tayo
Malaya ka na , Maligaya ka na
Sa Piling ng Iba
Magsisilbi ka na lamang Ala-Ala

Ngayon alam ko na , na di ako mahalaga
di nako maghahabol , pinapalaya na kita
alam ko naman na , masaya kana sa piling nya
at sana balang araw, mahalin ka rin nya

ng katulad ng pagmamahal na aking binigay
ngunit iniwan mo ako bumitaw ka sa aking kamay
hindi mo manlang naisipan na sakin iyong aminin
sinaktan mo lang ako at ang aking damdamin

binigay ko naman lahat , lahat ng gusto mo
pero bakit sa pag-ibig mo binigo mo lang ako
isang alipin sunodsunuran kahit na mukang tanga
wala kang nararamdaman , Manhid Ka TANG INA KA !

kung alam mo ang sakit na aking nadama
magmula ng lokohin mo ako’y iyong pinaasa
di na kita babalikan kahit mahal na mahal kita
mas pipiliin ko nalang na mabuhay mag isa

Chorus : ( Wynn Dizzy )
Ano mang namamagitan satin
pipilitin ko nalang limutin
Dahil Wala na Tayo
Tapos na Tayo
Malaya ka na , Maligaya ka na
Sa Piling ng Iba
Magsisilbi ka na lamang Ala-Ala

Hindi parin sapat lahat ng binigay sayo
kaya sumama ka sa iba at iniwanan mo na ako
bakit ganito ang ginawa mo umasa pa naman ako
na ako lang ang iyong mahal kaya ako ay nagbabago

minahal naman kita ng higit sa buhay ko
puso at kaluluwa ko ay nakatali na sayo
di kita kayang iwanan kahit na nasasaktan
dahil ang pag ibig ko sayo ko lamang nilaan

ngunit ang pag ibig mo hindi ko man lang nakamtam
ngayon ako ay lumuluha puso ko ay sugatan
nakatingin sa bituwin at iniisip ko nalang
ang pagmamahalan natin , HANGGANG DITO NALANG .

Wala nakong Magagawa kahit MAHAL pa KITA .
Ito Ang iyong desisyon sana maging masaya ka
Sa Bago mong mahal At Sana Tumagal kayo
Mahal Kita . Miss Kita Pero PAALAM NA SAYO .!

Chorus : ( Wynn Dizzy ) 2x
Ano mang namamagitan satin
pipilitin ko nalang limutin
Dahil Wala na Tayo
Tapos na Tayo
Malaya ka na , Maligaya ka na
Sa Piling ng Iba
Magsisilbi ka na lamang Ala-Ala