Selos – Verzikhulo

Print Lyrics Print Lyrics
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Pre-Chorus: Trez
Di ko di ko lang talaga alam
sasabihin ko pa ba sayo?
na nagseselos ako at
di kasalanan to

Chorus: Lady Con

Sinubukan ko, hindi ko maiwasan talaga to
Lokohin ang sarili ko, ang nadarama ko
Aaminin ko, nagseselos ako
Sinubukan ko, hindi ko maiwasan talaga to
Lokohin ang sarili ko, mali ito
Aaminin ko, nagseselos ako

Birador:
Matanong ko lang pansin mo ba? kita mo ba saking mata?
makiramdam ka bestfriend mo sya, oo nga pero bakit ba
hindi ko maalis tigilan, pigilan umayos
na di magselos kahit alam kong kaibigan sya
siguro nga takot lang ako
na mawala ka sakin, di ko makakaya to
ang pagseselos ko, sorry talaga

Trez:
Alam ko namang sakin ka lang pero bakit ba ganun?
and nadaramang selos noon haggang ngayon
di to tama to’y mali at alam ko yon
takot akong mawala ka at alam mo yon
hindi ko mapigilan hindi ko makayanan
patawad na mahal kahit di to kasalanan
ang hirap pero di to maiwasan
ayoko lang kasi na balang araw maiwanan

SharpCrease:
Pinipilit ko na nga na sayo ay di magselos
kahit na tayo na sila naman panay ang kilos
pasensya na kung ganito ako umakto
ako’y simpleng lalaki lang baby hindi ako perpekto
kaya please girl ako’y intindihin mo
hindi ako mapakali pag sila napapansin mo
minsan yumayakap pa,pa akbay akbay pa
kahit kasama na kita pa kaway kaway pa
at ito ako lagi na lang nagkukunwari
na walang nakita parang ilusyong hindi nangyari
syempre ayoko rin namang matawag na seloso
pero pwede ba sa akin ka naman magseryoso

Salbahe:
Ilang buwan ilang minuto na magkasama
nagwawala pa rin kung di ko alam kung nasaan ka
at alam na, pumasok lang ng ilang oras
di matanggal sa isipan nagbebenta lang ng sopas
dahil pag-uwi, boss mo lang lumalabas sayong bibig
at sa isip ko kanya na ang kalahati ng iyong pag-ibig
sinubukan ko na gawin para matanggal to
pero bumabalik pag apak mo sa labas ng ating pinto

Keed:
Ayoko ang magselos pero hindi ko mapigilan
kasi hanggang ngayon bakit ayaw ka nilang tigilan
at kaibigan alam ko ang turing mo
pero kung tumingin sayo kala mo ay nobyo mo
at tignan mo, hanggang ngayon sya ay nag-aabang
na tayo maghiwalay sya ba’y nahihibang
pagkat akin ka lang, oo na sakim ako
basta ako at ikaw yan lang ang alam ko