Muli – Breezy Boyz Ft Kejs Breezy

Print Lyrics Print Lyrics
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Pa’no ko maibabalik ( ko maibabalik ) ang tiwala mo mahal ( ang tiwala mo mahal )
Ga’no man kahirap na ( man kahirap na ) tanggapin mong muli ( tanggapin mong muli ) Isa pang pagkakataon ang hinihingi kailangan mo ba ng panahon na pag-isipang hinding-hindi na ako uulit na lagyan nang lamat ang puso mo. Hindi sana naging panatag ang sarili ko na hindi mo kayang iwanan ang katulad ko. Sadyang maraming tukso pero natuto na. hindi na titingin sa kaliwa. Sa kabila ng lahat ng nangyari alam kong ako parin ang sinasabi. Ang sinisigaw ng puso mong ligaw kung bibitaw ka man ng tuluyan sayo parin kakapit. . .
Sana’y pagbigyan mong Muling ibigin ka. Nakikiusap ang puso ko sa pangalawang pagkakataon. Sana’y pagbigyan mo na akong Muling papasukin sa puso mo Hindi man ganun kadali sayo, matagal man ay kakayanin ko Maibalik lang muli ang tiwala mo. . .

Sana mapatawad mo, sana mapatawad mo kahit sa kaonting pagkakataon na makapagsimula’t makabangon, makalimot sa mga maling nakaraan. Oo, dahil tao lang ako, tao lang ako, takot lang akong hamunin ang pagmamahal, alam kong talo lang ako, lalo lang akong lalamunin ng panibughong sumasakal, Tama nga sila, maaalala mo na importante pala sya lalo na kong hindi na sya sayo, Mas masakit kapag nakikita mong pinapawi ng ngiti ang sakit ng kahapon na dinulot mo. Hifndi ganun kadaling patawarin, umaasa balang-araw sasabihin na mahal mo pa ako kaya lahat ay gagawin, para lamang sayo. . . Ibalik ang kinang sa mata na puno ng luha at kahit kailan hindi na Muling papatak ang mga luha mo sa lupa. Sa katulad mo nakasalalay ang kaligtasan ng pusong dating nabigo at mabigyan ng pagkakataon na Muling maibalik ang pagmamahal, pangako magsasama tayo hanggang kamatayan, Sinusumpa kong ito na ang huli, pagkakataong pinagkaloob nyang Muli salamat po, dahil binigyan nyo ng kalinawan ang isip kahit kailan hindi na ako magkakamali,at kapag dumating na ang takdang panahon upang tayo ay magsamaako na siguro ang pinakamasayang lalaki na nabuhay na merong pag-asa…

Sana’y pagbigyan mong Muling ibigin ka. Nakikiusap ang puso ko sa pangalawang pagkakataon. Sana’y pagbigyan mo na akong Muling papasukin sa puso mo Hindi man ganun kadali sayo, matagal man ay kakayanin ko Maibalik lang muli ang tiwala mo. . .

Alam ko nagkamali ako sa iyo ay hindi maibabalik ang mundong napakasaya humantong lamang sa wala hindi ko kaya na makita ka na kasama ng iba
Bawat haplos sa luha ko’y panggap pala nang masasayang ala-ala nang hawak ko pa ang kamay mo at laging sinasambit mahal kita, walang iba pero nasan ka. Ako ay iniwan na, ngayo’y paano na mga binuong pangrap ay hindi ko na mahanap pinangako nating dalawa sa isa’t isa wala ng bibitaw hawakan mo ang kamay ko, sa layo mo ngayo’y hindi ko na maabot mahal, muli mong ibalik yugto nang sandali pag naisip mong patawarin, pagbigyan muli, ako sayo’y nagsusumamo. . .

Sana’y pagbigyan mong Muling ibigin ka. Nakikiusap ang puso ko sa pangalawang pagkakataon. Sana’y pagbigyan mo na akong Muling papasukin sa puso mo Hindi man ganun kadali sayo, matagal man ay kakayanin ko Maibalik lang muli ang tiwala mo