Morning of Canon (Fated to Love You Tagalog Version) – Marianne Topacio

Print Lyrics Print Lyrics
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

Sa tuwing nagniningning, mga bituin
sa gabing madilim
Naaalala ka, sa puso ko ika’y nag-
iisa

Oh, bakit ba?
Pilit ko mang ika’y limutin na
Sadyang sa isipa’y hindi mabura

Huwag lumisan
Paglipas ng gabi at pagsikat ng araw
Sana ikaw sa ‘king tabi ay naririyan

Ikaw ang lahat sa akin,
Ang puso kong ito sayo’y nananabik
Pagmulat ko, sabihin mong
ako ay iyong mahal
Tadhana ko

Oh, bakit ba?
Pilit ko mang ika’y limutin na
Sadyang sa isipa’y hindi mabura

Huwag lumisan
Paglipas ng gabi at pagsikat ng araw
Sana ikaw sa ‘king tabi ay naririyan

Ikaw ang lahat sa akin,
Ang puso kong ito sayo’y nananabik
Pagmulat ko, sabihin mong
ako ay iyong mahal
Tadhana ko

Tunay ngang ako‘y sayo umiibig
Ngayon lang nadamang kabog nitong
dibdib

Sa puso ko, ika’y maglalagi
Di na makapaghintay, sa bukas na
darating
Pagmulat ko, sabihin mong
ako ay iyong mahal
Tadhana ko