May Pulis Sa Ilalim Ng Tulay – Kawago

Print Lyrics Print Lyrics
1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars (No Ratings Yet)
Loading...

May pulis, may puls, may pulis sa ilalim ng tulay
May pulis
May pulis
May pulis
May pulis
May pulis sa ilalim ng tulay

Yeah!
Huli ka, huli ka, huli, huli, huli ka
Nakita ka ng pulis na violation ka
Oops teka, kala mo pwede ka nang maglagay
At dun sa kalaboso ka niya ilalagay
Kasi kala niyo kayang-kaya niyo na sila
Kapag nahuli ka niya ay kakasuhan ka
Ibahin niyo ang pulis sa ilalim ng tulay
Sa lahat ng problema kaya niyang dumamay
Basta’t kailangan agad siyang darating
Pulis! Yan ang inyong babanggitin
He’s like a superman para mo siyang hero
Kriminal o holdaper hindi siya kabadong sagupain ito
At ito ay sugpuin alam na alam kung pano niya ito gapiin
Kaya mga kababayan ating ipagmalaki
Ang mga pulis na malaki ang silbi

May pulis, may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay
May pulis, may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay
May pulis
May pulis
May pulis
May pulis
May pulis sa ilalim ng tulay

May pulis sa ilalim ng tulay
Sa mga tao sila ang umaalalay
Tawag sa kanila’y alagad ng batas
Tagapagtanggol kakampi ng itaas
Sa trapiko sila ang laging umaayos
Para sasakyan makadaan ng lubos
Mayaman o mahirap ay tinutulungan
Tapat sa tungkulin na ginagampanan
Lahat ng kriminal kanilang hinuhuli
Di tumitigil hanggat walang madali
Isang tawag lang agad siyang darating
Ganyan kagaling pulis na magiting
Mga problema’y kanyang lulutasin
Masasamang loob agad na lilitisin
Tulad nila’y talagang maaasahan
Dapat sa kanila ay ating hangaan

May pulis, may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay
May pulis, may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay
May pulis
May pulis
May pulis
May pulis
May pulis sa ilalim ng tulay

Bagong ordinansa baguhin ang sistema
Tingin sa pulis dapat ay baguhin na
Tagapagtanggol ng bayan at laging maaasahan
Masasamang loob ang mortal nilang kalaban
Peligro at panganib kanilang sinusuong
Peace and order sa paligid sinusulong
Serbisyong totoo at hindi mapanggantso
Upang lahat ng tao sa inyo’y taas noo
Huwag pamarisan and sakim sa propesyon
Inyong magandang imahe’y wag hayaang maitapon
Alinsunod sa batas upang kayo’y protektahan
Sila ang matuturing na matalik na kaibigan
Huwag dungisan inaalagaan niyong pangalan
SPO1, bagito o maging sa mga datihan
Maging sa beterano idolo ng maraming tao
Inyong kapangyarihan patuloy na mag-iibayo

May pulis, may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay
May pulis, may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay
May pulis, may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay
May pulis, may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay
May pulis
May pulis
May pulis
May pulis
May pulis sa ilalim ng tulay

Tags: Kawago